Malawakang Clearing Operations Cauayan City Dahil sa Hagupit ng Bagyong Rosita, Puspusang Isinasagawa!

Cauayan City, isabela – Puspusan ang isinasagawang clearing operation ng Cauayan City Disaster Response Team matapos ang paghagupit ng bagyong Rosita sa Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Ronald Viloria, ang pinuno ng Cauayan CIty Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) abala ngayon ang mga miyembro ng Disaster Response Team sa paglilinis at pagputol ng mga kahoy na nakahambalang sa mga pambansang lansangan maging sa mga daan patungong sa mga barangay.

Karamihan din Aniya sa mga napinsala ng bagyong Rosita ay mga yero ng kabahayan, mga naglipanang signages at mga kawad ng kuryente.


Kaugnay nito ay nakapagtala lamang ng isang typhoon related incident ang kanilang tanggapan habang mayroon namang isang nirespondehan ang mga Response Team na nanganak.

Anyon pa kay ginoong Viloria, sa anim na itinalagang evacuation center sa lungsod ng Cauayan ay hindi naman umano lahat nagamit subalit mayroong inisyal na naitala na 36 pamilya o mahigit isang daang indibidwal ang lumikas na nabigyan naman ng mga relief goods.

Samantala, sa ngayon passable parin naman ang mga tulay at mga pangunahing daan sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments