MALAWAKANG GENERAL CLEAN-UP DRIVE, ISINAGAWA SA BAYAMBANG MATAPOS ANG PISTA AT SEMANA SANTA

Isinagawa ang isang malawakang general clean-up drive sa bayan ng Bayambang bilang agarang malinis, at agad na maibalik ang kaayusang pampubliko matapos ang naganap na pista at Semana Santa.

Nilinis ang mga kalsada, maging ang parke at plaza at iba pang pampublikong lugar upang ito’y muling maayos at umaliwalas.

Bukod dito, nag-flush rin ng mga daanan at sa plaza ang Bayamabang Fire Station nang sa gayo ay lalo pang maging malinis ang kapaligiran.

Tinanggal rin ang mga lumang tarpaulin, posters, at iba pang visual obstructions na naiwan mula sa pagdiriwang.

Kabilang sa mga nanguna upang isagawa ang aktibidad ay Environmental and Solid Waste Management Office ang operasyon, katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng munisipyo gaya ng Engineering Office, MDRRMO, General Services Office, Task Force Disiplina, Treasury Office, Business Permits and Licensing Office, at mga barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments