Ang aktibidad ay bilang pagsuporta sa programa ng gobyerno na tinaguriang “Pamana sa Mamamayang Pilipino: A Duterte Legacy”. Bahagi rin ito ng programa ng land disposition ng gobyerno sa bisa ng Republic Act No. 10023 s. 2010 o ang “Residential Free Patent Act”.
Una nang inatasan ni DENR Acting Secretary Jim Sampulna ang lahat ng field officials para mapadali ang proseso ng land titling ng ahensya.
Para palakasin ang land management disposition program sa rehiyon, lumikha si DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng isang regional committee para pag-usapan ang lahat ng environmental at administrative cases para mabilis na malutas ang mga land conflict na may kaugnayan sa mabilis na pagpapalabas ng mga patent.
Hinikayat din ni RED Bambalan ang mga patent awardees na gamitin nang produktibo ang kanilang lupa upang mapabuti ang kanilang kabuhayan at kalagayang pang-ekonomiya.
Nagpahayag naman ng suporta sa programa sina Nueva Vizcaya Lone District Congresswoman Luisa Lloren “Banti” Cuaresma at Junie Cua ng Quirino.
Samantala, nagpaabot rin ng suporta sa programa ang limang gobernador mula sa Cagayan, Batanes, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya habang kinikilala ng mga opisyal ang papel ng DENR Region 2 na tiyakin ang karapatan ng mga benepisyaryo.
Ang mga benepisyaryo ng patent ay binigyan din ng mga punla bilang bahagi ng pagdiriwang Environment Celebration Month.