Kasunod ng kalituhan sa pagpapatupad ng “No vax, No ride” Policy.
Iminungkahi ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pagkakaroon ng malawakang information drive o pagpapaunawa sa mga kawani ng Department of Transportation (DOTr) at mga Law Enforcement Agencies na hindi dapat pinagbabawalang makasakay ng pampublikong transportasyon ang mga manggagawa na hindi bakunado.
Sa presscon sa Malakanyang, sinabi ni Bello na hindi pwedeng pigilang makasakay papasok sa kanilang trabaho ang mga manggagawa dahil kapag ito ay ginawa, hindi gagalaw ang mga negosyo.
Sinabi pa ni Bello na essential ang pagta-trabaho ng mga ito at sapat na ang pagpapakita ng kanilang company ID bilang patunay.
Sa mga nangangamba na baka makahawa ang mga unvaccinated workers, ayon sa kalihim, mayroon namang umiiral na polisiya, kung saan minamandato ang mga unvaccinatead on site workers na magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR test kada dalawang linggo.