Makakuha man o hindi ng permit to rally, tuloy na tuloy ang kilos-protesta ng mga miyembro ng Kapa ministry bukas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ito ay bilang tugon sa hamon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na patunayang mayroon silang limang milyong miyebro.
Ayon kay Danny Mangahas, Convenor ng Ahon sa kahirapan movement, kasado na ang kanilang prayer vigil at noise barage.
Dito sa Metro Manila gaganapin ang protesta sa Quezon City Circle kung saan magsasagawa sila ng unity walk dakong ala una ng hapon na susundan ng program hanggang gabi.
Facebook Comments