Malawakang kilos-protesta sa November 30, isasagawa ng mga labor group sa Maynila

Nakatakdang magsagawa ng malawakang kilos-protesta ang iba’t ibang labor groups sa araw ng Huwebes, November 30 sa Maynila.

Ito ay sa kaugnay sa paggunita ng ika-160th birth anniversary ni Gat Andres Bonifacio.

Kabilang sa mga lalahok sa pagmartsa patungong Mendiola ay ang Buklurang Manggagawa, National Confederation of Labor (NFL), Kilusang Mayo Uno (KMU), Association of Genuine Labor Organization (AGLO) at All Workers Unity (AWU).


Magtitipon-tipon ang mga raliyista sa bahagi ng Kalaw at magmamartsa patungong United Stated (US) Embassy.

Panawagan ng mga grupo ang pagkondena sa mga karahasan ng Israel sa Palestine at ang pagkonsinte ng Estados Unidos.

Pagdating naman sa Mendiola, sasamahan sila ng mas maraming bilang ng rallyista at ipapanawagan ang pagtigil ng kontraktwalisasyon at union fasting, dagdag-sahod para sa mga manggagawa, at pagbasura sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

Facebook Comments