OWWA, tutulungang magnegosyo si Jimmy Pacheco

Tiniyak ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na tutulungan nilang magkaroon ng negosyo si Geliener “Jimmy” Pacheco pagbalik nito ng Pilipinas.

Ito ay matapos sabihin ni Pacheco na hindi na siya babalik ng abroad.

Tiniyak din ni Ignacio na tutulungan ng OWWA ang mga anak ni Pacheco sa pag-aaral.


Tiniyak din ni Ignacio na inihahanda na nila ang pamilya ni Pacheco para sa pagdating ng Pinoy caregiver.

Ito ay bagama’t wala pang depinidong petsa ang pag-uwi ni Pacheco dahil patuloy pa itong sumasailalim sa medical assessment at debriefing.

Facebook Comments