Malawakang paglilinis kontra dengue, isinagawa sa Malabon City dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng nagkakasakit

Pinangunahan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang sabayang paglilinis sa buong Malabon upang pigilan ang paglaganap ng sakit na dengue sa lungsod.

Ang city-wide clean-up drive sa 21 barangay nito ay nilahukan ng libong residente ng lungsod, kasama ang mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Sandoval, nasa 14.1% bilis ng atake ng sakit na dengue sa lungsod kaya’t ilulunsad ang lingguhang sabayang paglilinis sa 21 barangay sa kanilang lugar.


Ngayong buwan, July 2022, mayroon ng nasa 481 na kaso ng dengue sa Malabon at dalawa na ang naitalang namatay.

Dahil sa kaso ng dengue na inabutang problema ng bagong alkalde, naglabas si Mayor Sandoval ng
Executive Order No. 22-07-22-01 na nag-uutos ng malawakan at masinsinang paglilinis sa Malabon.

Umaasa ang alkalde na sa ganitong paraan ay agad makakamit ang zero cases dengue sa kanilang lugar.

Facebook Comments