Provincial government ng Basilan, magdedeklara ng State of Mourning

77

Ito ay kasunod ng pagkakapaslang kay former Lamitan City Mayor Rosita Uy Furigay nitong nakalipas na Linggo.

Sa pagdalaw ni Governor Jim Hataman Salliman sa burol ng dating alkalde kagabi, sinabi niya na ipinag-utos niya na rin sa lahat ng offices ng gobyerno sa Basilan na ilagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas.

Paghahandaan na rin aniya ang mga aktibidad sa siyudad ng Lamitan upang bigyang pugay ang dating alkalde oras na makauwi na ang mga labi nito sa probinsya.


Paliwanag ni Hataman, malaking kawalan si Furigay sa Basilan at masakit aniya para sa kaniya na sa ganitong paraan nawala ang dating alkalde.

Samantala, nagdatingan na rin ang malapit na kaibigan at pamilya sa burol ni dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay sa Cosmopolitan Memorial Chapels and Crematory sa Araneta Ave, Quezon City.

Nasa burol na rin si Mayor Roderick Furigay ang asawa ng dating alkalde.



Facebook Comments