World – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinagmulan ng panibagong hacking incident sa Europa.
Una nang iniulat ng ilang malalaking kumpanya sa Ukraine na sila ang unang nakaranas ng hacking.
Sumunod na rito ang bansang Italy, Germany, France at UK.
Pinayuhan naman ng mga eksperto ang mga biktima ng malawakang ransomware cyber-attack na huwag magbabayad ng ransom dahil wala namang katiyakang maibabalik ang files na na-hack sa kanilang mga computer.
Dalawang buwan lang ang nakalilipas nang umatake ang wannacry virus sa National Health Service ng UK.
Facebook Comments