Manny Pacquiao at Australian Boxer Jeff Horn – nagface-off sa ginanap na final press conference sa Brisbane, Australia

Australia – Nag-face off sina Manny Pacquiao at Australian Boxer Jeff Horn sa ginanap na final press conference sa Brisbane, Australia, apat na araw bago ang big fight.

Wala namang naganap na palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng dalawang boksingero.

Sa prescon, sinabi ni Top Rank CEO Bob Arum na maging siya ay excited na sa nasabing laban kung saan inaasahang dadagsa ang nasa 30-libong fans.


Base sa pagtataya ng mga observer sa Australia, posibleng magtala ng kasaysayan sa larangan ng sports ang bilang ng crowd na manonood ng laban.

Facebook Comments