MALAWAKANG SERBISYO MEDIKAL, AARANGKADA SA SAN CARLOS CITY

Aarangkada ang libreng serbisyong medikal sa Barangay Gamata, San Carlos City, ngayong araw.

Ilan sa libreng isasagawa at ibibigay ay check-up, gamot at maintenance, libreng tuli, laboratory exam, mga bitamina, ECG, at libreng bunot.

Mayroon din libreng eye check-up na may kalakip na libreng reading glass.

Damay din ang mga alagang hayop maging iba pang proseso para sa mga dokumento sa iba’t-ibang tanggapan ng gobyerno tulad ng pang ancillary services, at local civil registrar service.

Bukas sa mga residente sa loob at labas ng lungsod ang naturang aktibidad na layong mapabuti ang antas ng kalusugan ng mga benepisyaryo.

Facebook Comments