Isinusulong ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mas pinaigting na pagpapatupad ng Prevent, Detect, Isolate, Treat and Recover (PDITR) strategy habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus bubble.
Ayon kay Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, nagawang maibaba sa 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases kada araw dahil sa pagpapatupad ng nasabing istratehiya.
Pero dahil sa bagong variants, kailangang paigtingin ang PDITR strategy.
Iginiit ni Chua na hindi mababawasan ang kaso kung nakadepende lamang sa ECQ.
Batid ng NEDA na may negatibong impact ang ECQ extension sa mga tao.
Sa taya ng NEDA, nasa 252,000 individuals ang mawawalan ng trabaho at 102,000 ang maghihirap dahil sa dalawang linggong ECQ.
Tinatayang aabot sa 30 billion pesos ang mawawala sa daily household income.
Dahil dito, binigyang diin ng NEDA ang kahalagahan ng digital economy at ang new normal para sa mga government agencies at mga negosyo na nagsusulong ng paglilimita sa physical transactions at pagpapatuloy na delivery ng goods at services.