Malawakang text scams, maaaring nagmula sa ibang bansa – DICT

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga international counterpart nito sa ibang bansa upang matukoy ang Internet Protocol (IP) address ng mga server na sangkot sa text scams.

Ayon sa ahensya, maaaring mula sa labas ng bansa ang promotor ng kumakalat na personalized text scams at unsolicited text messages.

Dagdag pa nito, kakailanganin din ng malawakang imbestigasyon hinggil sa isyu dahil nangyayari rin ito sa iba pang mga bansa.


Facebook Comments