Rollback sa presyo ng gasolina at diesel, inaasahan sa mga susunod na linggo – PPCA, DOE

264

Inaasahang bababa sa piso ang presyo ng diesel habang P0.45 naman ang ibababa ng gasolina sa dalawang magkasunod na linggo.

Ito ay batay sa galaw ng presyo sa international oil market ayon kay Philippine Petroleum Companies Association (PPCA) founding Chairman Fernando Martinez.

Magkakaroon din ng rollback sa lahat ng produktong petrolyo ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad.


Ang naturang rollback ay i-aanunsyo ng mga kompanya ng langis bukas, kasabay nang pagpapatupad nito.

Facebook Comments