Malawakang tigil pasada ng mga Transport Group sa bansa – nagdulot ng Perwisyo, ilang pasahero, nastranded

MANILA, PHILIPPINES – Perwisyo ang idinulot sa maraming pasahero ng ikinasang malawakang tigil pasada ng mga transport grupo ngayong araw bilang pagtutol sa phase out ng mga sasakyan.

 

Kaninang alas 6:00 ng umaga ramdam na ang epekto ng strike kung saan wala ng masakyan ang mga mananakay sa Pasong Tamo, Makati City; Monumento, Caloocan; Elliptical Road sa Quezon City; Taft Avenue sa Maynila; at sa Alabang Viaduct.

 

Marami naman ang na-stranded na pasahero sa Cebu dahil sa tigil-pasada.

 

Apektado ng tigil pasada ang Mandaue City, Cebu City at Talisay City.

 

Nagkakahabulan at may bahagya pang gulo sa ilang mga terminal sa bahagi naman ng Iloilo City.

 

Hindi rin umubra ang contingency plan ng Iloilo City Government na libreng sakay para sa mga empleyado ng mga opisina at business establishments dahil mas marami ang mga pasaherong ibinababa ng mga bus na galing sa probinsya kung ikumpara sa bilang ng mga sasakyan.




 





Facebook Comments