MANILA – Naperwisyo ang maraming pasahero at motorista sa nagpapatuloy na malawakang transport strike ng mga tsuper ng jeep ngayong araw.Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority – kabilang sa apektado ng tigil pasada ang mga sumusunod na lugar natatagal hanggang mamayang alas 7:00 ng gabi:Bonifacio MonumentEdsa ShrineEdsa Shaw BlvdMarcos HighwayLiwasang BonifacioMendiolaBaclaranMuñoz SbBalintawak/BalonbatoCommonwealth/LitexEdsa – Cubao AuroraAurora – KatipunanIbp RoadPhilcoaCentrisWelcome RotondaPeople’s MonumentSa interview ng RMN kay MMDA General Manager Tim Orbos – sinabi nito na naghanda ang pamahalaan ng 85 government vehicles, 50 motosiklo at dalawang vessels para sa isasagawang transport strike ng mga pampasaherong jeep na kasapi ng stop and go coalition.Katuwang din ng MMDA para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ang PNP, DOTR, LTFRB, DPWH at BFPMuli namang ipinaalala ng mmda sa mga lalahok sa strike na mayroong umiiral na no-strike policy alinsunod sa umiiral na memorandum circular ng ltfrb.
Malawakang Tigil Pasada Ng Mga Tsuper Ng Jeep – Nagdulot Ng Perwisyo, Kilos-Protesta – Tatagal Hanggang Mamaya Pang Ga
Facebook Comments