MANILA, PHILIPPINES – Opisyal nang sinimulan ng ilang transport group sa ilang bahagi ng bansa ang malawakang tigil-pasada
Pangungunahan ito ng grupong piston, stop and go coalition at no to jeepney phase out coalition.
Ayon sa National President ng piston na si ay George San Mateo, – ilang lugar sa bansa ang apektado ng naturang transport strike kabilang na dito ang Cagayan, Isabela, Baguio, Metro Manila, Laguna, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Iloilo, Aklan, Capiz, Negros Occidental, Negros Oriental, Cebu, Leyte, Cagayan De Oro City, Bukidnon, General Santos.
Aabot sa 600,000 na tsuper at higit 200,000 na small time operator ang mawawalan ng kinabubuhay kapag natuloy ang phase out sa mga lumang jeep.
Iginiit din ni San Mateo – magastos din ang modernization sa mga jeep.
Magtitipon ang mga nabanggit na grupo sa Quezon City elliptical circle sa ganap na alas-11 ng umaga bago pumunta sa Mendiola, Maynila.