City of Ilagan, Isabela – Ipinagpaliban ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang malawakang tree planting activity na nakatakda sana sa susunod na linggo sa Sitio Langis ng Barangay Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na ang pagpapaliban ay mula umano sa tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC kung saan ay hindi pa matiyak ang araw kung kalian ito isasagawa dahil sa nakatakda rin sa susunod na linggo ang kaarawan ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III.
Layunin umano ng tree planting na mapalago ang mga puno sa magakabilang gilid ng ginagawang Ilagan-Divilacan Road Rehabilitation Project upang maprotektahan rin umano ang bahagi ng northern sheira madre.
Sinabi pa ni ginoong Santos na ang tree planting ay pangatlong beses nang inilulunsad ng pamahalaang panlalawigan kasama ang DENR, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ilang civil society sa lalawigan ng Isabel.
Samantala ang pangunahing rason ng pagpapaliban ay dahil umano sa usapin ng seguridad sa lugar kung saan ay nagkaroon kamakailan ng sagupaan sa pagitan ng militar at NPA.