Malay Aklan dalawa ang nakaupong Mayor

Kalibo, Aklan – Dalawa ngayon ang nakaupong Mayor sa bayan ng Malay, lalawigan ng Aklan matapos na mag assume ng kanyang office si dating Mayor Ceciron Cawaling noong linggo Hunyo 30 at nanumpa na ring kahapon si Vice Mayor Fromy Bautista bilang acting Mayor ng nasabing bayan.
Kahapon personal na iniabot ni Mr. Mark Delos Reyes MLGOO ng bayan ng Malay ang advisory galing sa DILG Region 6 na pumipigil kay Cawaling na umupong Mayor pero ayon kay Cawaling hindi sya bababa sa kanyang pwesto.
Dagdag pa ni Cawaling na kanya ring ipaubaya kay Bautista ang lahat na mga official function pero sya mananatili sa kanyang opisina dahil sya ang pinili ng taong bayan.
Naniniwala si Cawaling nga hindi pa pinal ang desisyon sa kanyang kaso dahil na meron syang nai-file na Motion for Reconsideration sa Ombudsman.
Nauna ng idinismis sa serbisyo si Cawaling sa nagdaang termino dahil sa mga kasong kinakaharap nito tungkol sa krisis sa Boracay.

Facebook Comments