Top 2 Most Wanted sa Echague, Isabela, Tiklo!

*Echague, Isabela – *Nahuli ng mga otoridad ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Echague, Isabela matapos na isilbi ng PNP Echague ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. San Fabian ng nasabing bayan.

Kinilala ang akusado na si Lorenzo Callangan, 53 anyos, kasal, magsasaka at residente ng Brgy. Maligaya, Echague, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 Ifm Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nadakip ng kapulisan ang suspek sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinilabas ni hukom Bonifacio T. Ong noong June 20, 2019 kaugnay sa kasong “3 counts” na paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.


Pansamantala itong makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P144,000.00 ayon sa rekomendasyong ng korte.

Dinala na sa himpilan ng PNP Echague ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments