Manila, Philippines – Idineklara na ng Philippine Drug Enforcement Agency
(PDEA) na ‘drug-free’ ang limang barangay sa Samar.
Kabilang dito ang Barangay Casandig, Concepcion, Hinugacan, Natimonan at
pologon sa musipalidad ng Gandara noong March 15, 2018.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, naabot ng mga nasabing
barangay ang parameters o pamantayan na itinakda ng dangerous drugs board,
kabilang ang kawalan ng drug supply, transhipment activity, drug laboratory
at warehouse sa lugar, kawalan ng drug dependents, pusher, protector at
drug den.
Ngayong taon, target ng PDEA na malinis sa ilegal na droga ang 7,328 na
barangay o higit 600 barangay kada buwan.
Facebook Comments