Malaysia, ikinabahala ang mababang ranggo nito sa 31st SEA Games

Ikinadismaya ng mga Malaysians ang mababang ranggo ng kanilang bansa sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sinabi ito ni Malaysian Sports minister Ahmad Faizal Azumu sa kabila ng naabot na target na 36 gold medals ng bansa sa naturang patimpalak.

Mababatid na nalapagsan na nito ang target matapos makuha ng Malaysia ang ika-37 ginto sa pamamagitan ni Mohamad Nur Aiman Mohd Zariff sa cycling men’s road race.


Base kasi sa medal tally, nasa ika-anim na pwesto ang kanilang bansa kung saan nangunguna pa rin ang host country na Vietnam na mayroong 180 gold medals.

Kadalasan ay napupunta sila sa top five at ang huling pagkakataon na bumaba sila sa ika-anim na pwesto ay noong 1983 pa kung saan walong bansa lamang ang kalahok kumpara sa 11 na bansa na kasali ngayong taon.

Ayon kay minister Ahmad, mahalaga ang exposure ng Malaysia sa SEA Games upang makamit ang iba pang tagumpay sa paparating na multi-sport games tulad ng Commonwealth Games at Asiad.

Matatandaan na tinapyasan ng Malaysian government ang pondo para sa sports sa 289 million ringgit o katumbas ng 3.4 billion pesos na dati ay 940 million ringgit o katumbas ng mahigit 11 billion pesos.

Binawasan din nito ang bilang ng kanilang full-time athletes sa 288 na dati ay 432 dahil sa mababang performance noong Tokyo Olympics kung saan nakapag-uwi lamang ng isang silver at isang bronze.

Facebook Comments