Malaysia, nagdeklara na ng nationwide lockdown dahil sa COVID-19

Nagdeklara na ng nationwide lockdown ang Malaysia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Ministry Director General Noor Hisham Abdullah, nakakabahala ang patuloy na pagkalat ng virus sa bansa na posible pang umabot sa limang libo sa kalagitnaan ng Mayo.

Pinayuhan naman ni Abdullah ang mga residente na mas lalo pang mag-ingat upang hindi mahawa ng virus.


Nakapagtala naman ang Malaysia ng 4,765 bagong kaso ng COVID-19 at 39 na bagong nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments