Dwight Ramos, mag-eensayo na sa Gilas Pilipinas

25

Mag-eensayo na si Ateneo Forward Dwight Ramos para sa Gilas Pilipinas sa darating na FIBA Asia Cup qualifiers.

Ayon kay Ramos, tinatapos lamang niya ang kaniyang quarantine noong umuwi siya sa bansa galing California.


Nag-umpisa na ang ensayo ng Gilas noong April 26 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Kasama rin sa camp ang mga atletang sina Justine Baltazar, Javi Gomez de Liano, Dave Ildefonso, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo, Jason Credo, Geo Chiu at Lebron Lopez.

Gaganapin ang FIBA Asia Cup qualifiers sa Clark, Pampanga sa susunod na buwan.

Facebook Comments