Malaysian Family pina-advertise ang binatang anak sa obituary ng ama nito

290

May mga magulang talaga na gagawa at gagawa ng paraan para makahanap ng taong nais nilang mapangasawa ng kanilang anak.
Isang Malaysian family ang nagpaanunsiyo tungkol sa kaisa-isang anak na lalaki bilang eligible bachelor sa obituary ng tatay nito sa isang lokal na pahayagan.
Nagpalathala ang pamilya ng namayapang Chan Kok Choi ng full-page obituary noong nakaraang Mayo 12, 2019. Kasama sa inilathala ang pangalan ng kaisa-isang anak nitong lalaki na may nakalagay na, “still single, call [Heng Joon’s phone number].”
Image via says.com/my
Image via says.com/my
Marami man ang nadismaya sa nasabing obituwaryo, inihayag naman ng pamilya na nais lang nilang magpatawa.
Nagmula ang nasabang ideya sa tatlong babaing nakatatanda ni Heng Joon na nais bigyang pagpupugay ang “great sense of humor” ng kanilang ama.
At dahil si Joon na lamang ang nag-iisang walang asawa sa pamilya, naniniwala sila na akma lang ang pagsasama ng nasabing detalye sa obitwaryo ng namayap nilang ama.
Sinang-ayunan naman ni Heng Joon na matutuwa ang ama sa nangyari.
Kilala si Chan Kok Choi, o “Sunshine”sa kaniyang mga kaibigan, bilang “pinakagalante at mabait na tao.”
Facebook Comments