Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief Dir. Ronald Dela Rosa na may pumalit na sa pwesto kay Isnilon Hapilon bilang Emir ng ISIS sa South East Asia.
Ito ay ang Malaysian terrorist na si Amin Basco.
Ayon kay The Deputy Chief for Operation Police Director Fernando Mendez Jr si Baco ay matagal nang nanatili sa Pilipinas partikular sa Lanao kasama ang nasawing terorista si Zulkifhli binhir alyas Marwan.
Tumira rin ito sa Mamasapano Maguindanao malapit sa pinangyarihan ng Mamasapano massacre.
Ang mga impormasyong ito ay batay sa pahayag ng naarestong Indonesian terrorist na si Muhammad Ilham Syahputra.
Sinabi pa ni Dela Rosa sa ngayong posibleng nakatakas na sa main battle area sa Marawi City si Baco na target ng operasyon ng militar at pulisya.