Panghimagas – Nakapili na ng anim na candidate ang organizer ng event nang biglang kanselahan ng isang Mexican model agency ang isang male beauty pageant sa Tabasco Mexico.
Nagsimula nang mag- photoshoot at mag- promote sa TV at online ang anim na contestant ng “Mr. Model Tabasco 2017” nang biglang kanselahin ng agency dahil hindi daw nila na- meet ang standard requirements ng nasabing pageant.
Dahil dito, umani ito ng iba’t ibang batikos mula sa on-line community, kung saan sinabi nila na pinahiya lamang ng agency ang anim na contestant at buong state ng Tabasco.
Sa ngayon, wala pa din pahayag ang agency na kumuha ng mga contestant at nanghihinayang din ang mga participant dahil nasayang lamang ang kanilang pagod at hirap para lamang makasali sa kauna-unahang male pageant sa Mexico.
Male beauty pageant sa Mexico, kinansela dahil hindi pasok sa qualifications ang mga kandidato
Facebook Comments