Maleta raid ni Daniela Mondragon, trending

184

Ipinakita ni Daniela Mondragon, karakter na ginagampanan ni Dimples Romana, ang kaniyang sikat na red luggage na naging viral sa internet.

Matatandaan sa inilabas na trailer noon ng Kadenang Ginto, ipinakita rito ang panibagong yugto sa buhay nila Romina at Daniela Mondragon. Kabilang na rito ang eksenang naglalakad si Daniela na may red luggage, dress at lipstick.


Naging meme at inedit ng mga netizen ito na ‘dinala’ si Daniela sa iba’t ibang lugar sa bansa man o labas. Binansagan ding meme queen si Dimples Romana .

Sa episode ng Gandang-Gabi Vice, kasama si Vice at Romina, inilantad sa publiko ang laman ng kaniyang maleta sa mga tao.

Sa loob ng maleta ay mayroong toothpaste, biscuits, toiletries tulad ng sabon, mga de lata, kaldero, tabo at timba, pambomba ng inidoro, electric fan, oven, plantsa at kabayo.

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa episode na ito. Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments

From Advertisers