Top 7 Most Wanted Person sa Bayan ng San Mariano, Arestado!

*San Mariano, Isabela* – Bumagsak na sa kamay ng kapulisan ang isang magsasaka na anim na taon nang nagtatago sa batas at itinuturing na Top 7 Most Wanted Person sa bayan ng San Mariano, Isabela kaninang alas 6:00 ng umaga sa Sitio Nabantad, Brgy. Buyasan, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rowel Aglugub alias “Banduyan Aglugub”, 32 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Batay sa impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, nadakip ang akusado sa pangunguna ni PEMS Xavier G Cerina ng PNP Sam Mariano sa bisa ngWarrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Andrew C. Barcena ng RTC Branch 17 dahil sa kasong MURDER.


Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Sa ngayon nasa pangangalaga na ng PNP San Mariano ang akusado para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments