MALI | PUJ fare rollback, hindi dumaan sa proseso – Ayon Lawyers for Commuters Safety and Protection

Manila, Philippines – Mali ang ginawang paglalabas ng agarang desisyon ng LTFRB na nagbabawas ng piso sa minimum na pasahe sa jeepney sa tatlong rehiyon sa bansa.

Ayon kay Lawyers for Commuters Safety and Protection President Ariel Inton, hindi dapat na gamitin ang moto propio kapag ang desisyon ay may direktang epekto sa mga stakeholder gaya ng mga operator at ng mga pasahero.

Aniya, alinsunod sa Rule number 12 Section 9 ng Revised Rules of Procedure ng LTFRB, dapat pa ring isalang sa public consultation ang anumang desisyon at maaring lamang itong ipatupad sa sandaling nasunod na ang lahat ng proseso para dito.


Una na ring umalma ang ibat ibang transport group dahil sa anilay ay minadaling desisyon ng LTFRB board.

Facebook Comments