Maliban sa landmines, tama ng bala ng mga baril isa rin sa dahilan ng pagkamatay ni Keith Absalon

Lumabas na ang death certificate ng nasawing si Far Eastern University (FEU) football player Keith Absalon at ng pinsan nito.

Batay sa death certificate, hindi lamang New People’s Army o NPA landmine ang dahilan ng pagkasawi ni Absalon kundi ang mga tama ng mga bala ng baril.

Sumusuporta naman ang kinalabasan ng death certificate sa pahayag ng pamilya ni Absalon na pinagbabaril muna ang biktima na siyang pangunahing dahilan ng kaniyang pagkasawi.


Partikular na inilagay na pinangyarihan ng insidente ay ang Barangay Anas sa Masbate, kung saan itinanim ang Improvised Explosive Device (IED) ng mga rebeldeng komunista.

Facebook Comments