Pangulong Duterte, inihalintulad ng isang religious leader kay Jose Rizal; pagtakbo sa pagkabise-presidente, sinuportahan

200

Inihalintulad ng religious leader na si Apollo Quiboloy si Pangulong Rodrigo Duterte sa namayapang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal.

Ayon kay Quiboloy, maituturing na ‘hero’ si Pangulong Duterte dahil sa maraming bagay na naiambag nito sa bansa.


Kumbinsido naman si Quiboloy na dapat subukang tumakbo ni Pangulong Duterte sa pagkabise-presidente sa susunod na botohan dahil kailangang ipagpatuloy ang mga nasimulan nito.

Samantala, sa isyu naman ng pagkatanggap ni Pangulong Duterte ng bahay mula kay Quiboloy ay nilinaw ng Pangulo na hindi ito maituturing na maanomalyang transaksyon.

Tanging sa pagbaba niya lang kasi sa pwesto bilang Pangulo ay dito na siya magkakaroon ng karapatan na gamitin ang nasabing bahay na dumaan sa tamang proseso

Facebook Comments