Maliban sa sakit na Dengue, inaasahan ng Department of Health (DOH) na dadami rin kaso ng leptospirosis ngayong tag-ulan.

Dahil dito, ipinag-utos na ni Health Sec. Francisco Duque na kumilos na ang lokal na pamahalaan para maiwasan ang pagdami ng kaso nito ngayong rainy season.

Nagpaalala din si Duque na tiyaking maayos ang garbage collection, flood control measures at laging paglilinis ng mga estero.

Kailangan din aniya na sapat ang gamot na ipinamamahagi ng DOH sa mga Local Government Unit laban sa leptospirosis at dapat ding maging handa ang mga ospital sa bansa.


Facebook Comments