Maliit na pondo ng Office of the Vice President, hindi hadlang sa pagtulong sa publiko – VP Leni Robredo

Hindi nakikitang dahilan ni Vice President Leni Robredo ang maliit na pondo ng Office of the Vice President (OVP) para makapagserbisyo sa publiko.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na mula 2016 ay nasanay na sila sa maliit na pondong ibinibigay.

Pinagkakasya na lamang nila ito para magamit sa iba’t ibang programa ng OVP.


Sa ngayon, ikinalugod ni Robredo ang additional funding sa OVP na inirekomenda ng ilang House leaders na aabot sa P713.41 million.

Makakatulong aniya ang dagdag na pondo para suportahan ang mga frontliners ng mga ospital at ibang facilities para sa pangangailangan ng PPE, medical supplies, care packages, free transportation at dormitories, temporary shelters, at test kits.

Facebook Comments