Banye-banyerang mga maliliit na bangus ang makikitang nakahilera ngayon sa ilang mga bahagi sa Magsaysay Fish Market.
Ayon sa mga vendors at harvesters na nakapanayam ng IFM News Dagupan, kadalasan umano ngayon, kahit maliliit pa ay hinaharvest na ang mga ito.
Nilinaw nila na walang kinalaman sa laki, o hindi ibig sabihin na maliliit ang mga ito ay hindi na kagandahan ang kalidad ng mga bangus.
Sadyang may mga bangus umano na mainam iharvest kung maliit pa lamang. Dagdag ng mga ito, mabenta raw ang mga maliliit na uri sa mga consumer dahil ginagawa itong daing.
Naglalaro sa P120 hanggang P130 ang kada kilo nito habang ang mga malalaking size, nasa P150 hanggang P170.
Nauna nang inihayag ng Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan o SaMaPa na nananatiling matatag ang suplay at presyo ng produkto sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨