Maliliit na negosyante, tututukan ng Lacson-Sotto tandem sakaling papalaring manalo sa eleksyon

Naniniwala sina presidential candidate at Senator Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dapat maging prayoridad ng gobyerno ang pagtulong sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) na apektado ng pandemya.

Ayon kay Senador Lacson, tinatayang 99.5% ng negosyo sa bansa ay MSMEs at 400,000 Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Paliwanag pa ni Lacson na dapat ay kailangan ang comprehensive fiscal stimulus para sa mga MSME, tutulungan nila ni Sotto na maibangon ang napakalaki ng tama sa ating ekonomiya na galing sa sektor ng MSMEs kung saan kasama sa magiging tulong para sa MSMEs ang ₱2 bilyong agricultural guarantee fund pool mula sa gobyerno.


Facebook Comments