Emerald Avenue sa Ortigas, Pasig, naging kulay pink sa sobrang daming tagasuporta ni VP Leni Robredo

Pinakita ng lungsod ng Pasig ang walang duda ang lakas ng suporta para kay presidential candidate Vice President Leni Robredo sa ginanap na PasigLaban Para sa Tropa: Grand People’s Rally.

Nagmistulang ilog na kulay rosas ang kahabaan ng Emerald Avenue dahil sa libo-libong supporters at volunteers ang pumunta para ipakita ang matinding suporta para kay Robredo.

Pinalamutian din ng mga kulay rosas na bulaklak, banderitas at flaglets ang kalsada.


Tulad ng nakasanayan, marami din sa mga supporter ang gumawa ng mga sarili nilang placards na naglalaman ng kanilang mga mensahe para kay Robredo.

Dito sa Pasig City ang isa sa pinakamaraming tagasuporta ni VP Leni ang nagpunta.

Ayon sa Pasig Philippine National Police (PNP), umabot ng halos 100,000 ang nagtipon-tipon.

Sinabi ni Robredo, hindi hakot ang nasabing bilang at hindi binayaran.

Sila aniya ay tumindig at nakiisa sa kanilang pinaglalaban.

Buong puso naman nagpapasalamat si Robredo sa lahat ng nagpunta.

Facebook Comments