Libo-libong hanapbuhay ang maipagkakaloob sa maraming mga Pilipino bunsod ng mga naaprubahang mga proyekto sa huling bahagi ng 2022.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, papalo sa higit 34,000 na mga trabaho ang naghihintay para sa mga kababayan natin.
Sinabi ni Nograles na base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 133.47 billion pesos na foreign investments ang naaprubahan sa fourth quarter ng 2022.
Higit aniyang mataas ito ng 265.7% kung ikukumpara sa 36.49 billion pesos na inaprubahan noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon.
Una rito, masaya ring ibinalita ni Nograles na nakikita ng Fitch ratings na makakamit ng Pilipinas ang gross domestic product (GDP) growth ng hanggang 7.0% sa 2023.