
Sinuri ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang presyuhan ng mga bilihin sa Malimgas Public Market kaninang umaga, Abril 6, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagbabantay sa galaw ng presyo sa pamilihan.
Pinangunahan ang inspeksyon ng LGU katuwang ang City Agriculture Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Market Division, at Dagupan City Police Office (DCPO).
Kabilang sa tinutukan ang presyo ng gulay, prutas, itlog, karne, isda, at iba pang pangunahing bilihin upang matiyak na ito ay naaayon sa itinakdang presyo at hindi naaabuso ang mga mamimili.
Ayon sa LGU, nananatiling aktibo ang kanilang monitoring upang mabantayan ang anumang biglaang pagtaas ng presyo at maprotektahan ang kapakanan ng publiko, lalo na ngayong panahon ng mataas na demand. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










