Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na maglalatag na ng komprehensibong plano si Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping ikalimang State of the Nation’s Address (SONA) nito sa darating na July 27 para sa laban ng bansa kontra COVID-19.
Ayon kay Drilon, pagkakataon na ito ni Pangulong Duterte na makapaglatag ng Overall Comprehensive Plan para makaahon ang bansa sa pandemya.
Willing din aniya ang buong oposisyon nito lalo’t kailangan pa ng malaking pondo ng bansa sa muling pagbuhay ng ekonomiya.
Samantala, lilimitahan ng Quezon City Government ang mga isasagawang kilos-protesta sa kasagsagan ng SONA ni Pangulong Duterte sa susunod na linggo.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kinakailangang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at kapulisan ng mga grupong magpo-protesta bilang pagsunod sa Public Assembly Act of 1985.
Ilan sa mga grupong magpo-protesta sa darating na SONA ay ang: Grupong Bayan, Anakbayan, Partido Manggagawa, Kilusang Mayo Uno at iba pa.