Kapa founder Joel Apolinario, arestado sa Surigao Del Sur

Matapos ang isang taong pagtatago, naaresto na ang founder ng Kapa Community Ministry International na si Joel Apolinario sa isang isolated resort sa Barangay Handamayan, Bayan ng Lingig, Surigao Del Sur.

Si Apolinario ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong syndicated estafa na walang inirekomendang piyansa ng Cagayan de Oro Regional Trial Court.

Maliban kay Apolinario, nadakip din ang 23 indibidwal kung saan nakuha sa kanila ang iba’t ibang kalibre ng baril, kabilang ang mga rifle, machine gun, granada at mga bala.


Napatay naman ang isang lalaki matapos paputukan ng baril ang mga pulis, habang sugatan ang isa pang lalaki.

Noong nakaraang taon, pinawalang bisa ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang certificate of registration ng Kapa Community Ministry International, na sangkot umano sa investment scam.

Facebook Comments