Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na maglalatag na ng komprehensibong plano si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa darating na July 27 kontra sa COVID-19.
Ayon kay Drilon, pagkakataon na ito ni Pangulong Duterte na makapaglatag ng overall comprehensive plan para makaahon ang bansa sa pandemya.
Willing din aniya ang buong oposisyon na tumulong lalo’t kailangan pa ng malaking pondo ng bansa sa muling pagbuhay ng ekonomiya.
Samantala, lilimitahan ng Quezon City Government ang mga isasagawang kilos-protesta sa kasabay ng SONA ni Pangulong Duterte sa susunod na linggo.
Paliwanag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kinakailangang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at kapulisan ang mga grupong magpo-protesta bilang pagsunod sa Public Assembly Act of 1985.
Ilan sa inaasahang magpo-protesta sa darating na SONA ay ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Anakbayan, Partido Manggagawa, Kilusang Mayo Uno at iba pa.