Manila, Philippines – Kinakailangan pa ring makapasa sa height requirement ang mga nais na maging miyembro ng Philippine National Police.
Ito ang nilinaw ni Police Deputy Director General Fernando Mendez ang The Deputy Chief for Operation.
Ginawa ni Mendez ang paglilinaw matapos lumabas ang ulat na pinapayagan na ng National Police Commision o (NAPOLCOM) na walang height requirement para sa gustong maging pulis.
Paliwanag ng opisyal mali ang unang nailabas na impormasyon ng NAPOLCOM, dahil nanatili aniya ang height requirement para sa mga aplikante sa pagka-pulis.
Ang requirement aniya ay 5’2 sa babaeng aplikante at 5’4 sa lalaking aplikante.
Pero mayroong mga exempted sa patakarang ito, partikular kung ang isang aplikante ay miyembro ng isang indigenous group.