Maling pahayag sa publiko ni Atty. Larry Gadon sa pagsusuot ng face mask, inupakan ng DOH

Umalma ang Department of Health (DOH) sa pahayag sa publiko ni Atty. Larry Gadon na hindi kailangan ang pagsusuot ng face mask kapag ang tao ay wala sa enclosed area o kulob na lugar.

Ayon sa DOH, lalong nalagay sa peligro ang kalusugan ng healthcare workers sa naging pahayag ni Gadon lalo na’t isa itong kilalang personalidad.

Nababahala ang DOH na posibleng paniwalaan ng publiko si Gadon at lalong kumalat ang COVID-19


Aniya, dapat maging maingat sa pagbibigay ng pahayag sa publiko ang mga sikat na personalidad lalo na’t pagod na at marami ng healthcare workers ang nai-infect ng virus

Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na marami nang pag-aaral ang lumabas na ang pagsusuot ng face mask ay malaking bagay para hindi mahawaan ng virus.

Aniya, 99% na ligtas ang tao kapag siya ay nagsuot ng face mask at face shield kapag lumalabas ng bahay.

Kaugnay nito, umapela sa general public si Usec. Vergeire na huwag paniwalaan ang pahayag ni Gadon at sa halip ay sundin ang health protocols na pinapayo ng gobyerno.

Facebook Comments