Labi ni Randy Echanis, naihatid na sa Loyola Memorial Park

46

Naihatid na sa huling hantungan ang labi ni Randy Echanis, ang pinaslang na consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Quezon City.

Pasado alas-11:00 ng umaga nang dumating ang labi nito sa Loyola Memorial Park.


Pero nag-prosisyon mula sa may bahagi ng River Back hanggang sa loob ng Loyola Memorial Park habang sakay ang kabaong nito sa isang truck.

At pagdating sa loob ng Loyola Memorial Park, saka ito ibinaba ng mga tauhan ng sementeryo na naka-PPE.

Nagkaroon naman ng programa ang mga taga-suporta, mga kaanak at mahal sa buhay ni Ka Randy, kung saan sigaw nila ay hustisya para sa pinatay na peace consultant ng NDFP.

Facebook Comments