Patuloy ang paghimok ng Provincial Government ng Maguindanao sa lahat ng Local Government Unit ng lalawigan na makiisa sa naging direktiba ng ng Department of Interior and Local Government partikular ang inilabas na Memorandum Circular No. 2019-121 .
Kabilang na nga rito ang pagpapanatili ng pagiging malinis ng bawat nasasakupan bukod sa gawing malinis ang mga public roads.
Kaugnay nito, noong nakaraang araw , sama-sama ang mga kawani at mga opisyales ng PGO Maguindanao base na rin sa naging direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki- Mangudadatu sa ginanawang clean-up drive sa bawat sulok ng bayan ng Buluan .
Bitbit ng mga ito ang mga walis, wheel barrow, bolo at mga sako at sabay sabay na naglinis sa mga lansangan, palengke, at ang buong nasasakupan ng Provincial Capitol.
Nauna na ring ibinaba ni Governor Bai Mariam ang direktiba sa bawat barangay ng 36 na bayan ng lalawigan.
Napapanahon rin aniya ito upang maibsan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng Dengue sa pamamagaitan ng paglilinis sa mga kapaligiran ayon pa kay Bai Mariam sa panayam ng DXMY.
Makakapagtrabaho rin aniya ng mabuti ang isang empleyado kapag malinis ang paligid nito dagdag ni Bai Mariam.
Matatandaang kabilang sa hangad ng Gobernador ang pagkakaroon ng isang Malinis na Makabagong Maguindanao.
Malinis na Makabagong Maguindanao hangad ni Governor Bai Mariam
Facebook Comments