Malinis, patas, at maayos na halalan, hiling ni Pangulong Duterte ngayong kaniyang kaarawan

“Malinis, patas, at maayos na halalan sa Mayo 9.”

Ito ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong ipinagdiriwang niya ang ika-pitompu’t pitong kaarawan.

Sabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, magkakaroon lamang ang pangulo ng simple at tahimik na selebrasyon ng kaniyang birthday sa Davao City.


Samantala, ayon pa kay Andanar nais ng pangulo na magkaroon ng maayos na pagpapalit ng administrasyon bilang bahagi ng kaniyang iiwang legasiya.

Kasunod nito, pinasalamatan naman ni Andanar ang pangulo sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga opisyal ng gobyerno.

Dalangin aniya nito para sa pangulo ang mabuting kalusugan upang maipagpatuloy ang paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Facebook Comments