Mahigit isang buwang libreng sakay sa MRT-3, umarangkada na ngayong araw

Umarangkada na ngayong araw ang mahigit isang buwang libreng sakay para sa mga pasahero ng MRT-3.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagtatapos ng MRT-3 rehabilitation.

Ayon kay MRT-3 OIC General Manager Michael Capati, nasa tatlongdaang libo hanggang apat na daang libo ang inaasahang sasakay kada araw ngayong libre na ito para sa mga pasahero.


Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na nakahanda na sila lalo na sa pagbabantay ng mga pasahero dahil sa inaasahang siksikan kapag rush hour.

Layon ng libreng sakay na makatulong sa publiko na makatipid sa gastos lalo na’t tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments