Mall sales, bazaar at mga tiangge, pinahintulutan ngayong pasko sa Quezon City

May magandang balita para sa mga naghahanap ng murang mga bilihin sa mga sale sa mall, bazaar at mga tianggehan.

Ito ay matapos na payagan na ng Quezon City Local Government na magsagawa ng sale at operasyon sa mga restaurant sa buong Quezon City.

Sa inilabas na bagong General Community Quarantine guidelines, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ito ay bahagi ng mga hakbangin para buhayin ang ekonomiya habang nagpapatuloy ang nararanasang pandemya.


Pero giit ni Belmonte, dapat ay isagawa ang gagawing mga ‘christmas sales’ sa isang open-space at may sapat na bentilasyon para maisawan ang transmission ng COVID-19.

Kasabay nito ay inatasan ng alkalde ang Business Permits and Licensing Department at Market Development and Administration Department na mangasiwa sa limitasyon, kapasidad at pagpapatupad sa lahat ng panuntunan ng umiiral na health protocol.

Sabi ni Belmonte, patuloy ang pagbaba sa kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa katunayan aniya, 756 na lamang ang may aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City dahil 94% o 21,377 patients na ang idineklarang nakarekober.

Facebook Comments